Miyerkules, Agosto 31, 2011

Pinoy ka kapag....


"Proud to be Pinoy"
Isang pagmamalaki ng bawat pilipino sa buong mundo "Proud to be Pinoy". pero ano nga ba ang pinakatatanging marka na ikaw nga ay isang pinoy? Tara at ating busisiin ang mga bagay bagay na nag sasabing tayo nga ay pinoy at may mga natatanging bagay na masasabing tayo lang na mga pinoy ang ganito.

Mga bagay na matatagpuan sa "comfort room" o"bath room " ng mga pinoy:

Ang Timba bow!
Yan ang unang bubungad sa ating mga batalan,palikuran o sa wikang ingles "comfort room" o "bathroom". Nakasananayan na ng mga pinoy ang gumamit ng timba sa araw araw kahit na may shower pa. Minsan tinanong ko ang aking Tita Mely o mas kilala ng lahat sa tawag na "Titang" sabi niya mas nakakabuti na raw na may timba sa banyo in case of "emergency" daw. anong "emergency naman kaya ? mga bagay na madalas mangyari "only in the Philippines" biglaang pagkawala ng tubig, sunog na madalas nagmumula sa kusina at ang pinaka malupit na binigay na katuwiran ng aking Tita ay pag maliligo ka ng "hot water" andiyan ang timba para gamitin. may punto nga naman hehehehe.

Ang Tabo bow!

"Ang Tabo"
Natural mawawala ba ang tabo kapag ikaw ay isang pinoy? yan ang "partner" ng timba  sila ang parang "dynamic duo" di magagamit ang isa sa banyo kapag wala ang isa so sila ang "partners for life". Pero sa isang pinoy madali ang pag hahanap ng tabo kapag dumating ang pangagailangan dito. mga lumag lalagyan ng "ice cream" mga lumang "tupperware" na hindi na ginagamit , at kung dumating ang "emergency" pupuwede na
kahit mga maliliit na kaldero hehehehehe.

Ang Panghilod bow!

"Ding ang bato..."
Ang bato na panghilod ang madalas na gamit ng mga kadalagahan sa kanilang paliligo minana pa natin iyan sa ating mga "fore fathers" o ninuno naniniwala sila na ang paghihilod sa katawan na ginagamitan ng bato ay makakatulong upang maalis ang dumi o libag o banil na kumapit sa balat. Iyan ang isang pagpapatunay na pinapahalagahan ang kalinisan ng katawan. Pupuwede din gamitin pang bato sa mga mang boboso sa oras nang iyong paliligo. "MAY PANGHILOD KA NA MAY PANANGALANG KA PA SA MGA MANGBOBOSO"




Ang "Shampoo" bow!


Ang mga ibat ibang kalse ng Shampoo ni day (Inday)
Natural hindiu mawawala ang mga shampoo o mga conditioner na gamit sa buhok. Dahil sabi nga "The hair is our crowning glory". ang mga pinoy ay biniyayaan ng magandang kulay ng balat at kulay ng buhok nakinaiigitan ng mga dayuhan. natural lamang na pangalagaan ng sapat ang ating mga buhok.pero hindi parin nawawla ang mga exahiradong tao na ultimo shampoo ng kabayo eh ginamit na rin bilang pang paganda ng buhok. marami akong kakilala na gumastos ng malaki makabili lang ng "mane" shampoo o shampoo ng kabayo. eh bakit di na rin gamitin ang "Shellguard dog shamppo" siguradong makintab ang buhok mo wala ka pang kuto hehehehehe.

Ang Whitening lotion bow!


Sana pumuti ako



Isa yan sa napapansin ko sa mga pinoy "bathrooms" may mga "whitening lotion" sa banyo upang ipahid pagkatapos maligo . nagtataka lang ako bakit nga karamihan ay ayaw na sa balat kayumangi? kinaiingitan sa ibang bansa ang kulay ng ating balat. sa mga bansang America kapag ikay ay nagkulay kayumangi o kulay "Tan" ibig sabihin mayaman ka dahil ikaw ay nakaka afford na mag bakasyon sa mga lugar na may beach at laging maaraw. dito sa atin kabaligtaran kapag maitim ka means mahirap ka dahil hindi ka naghahamnapbuhay sa loob ng opisina o sa "airconditioned room". Tandaan pinoy tayo kulay kayumangi hindi itim hidi puti hindi rin maputla huwag ikahiya ang kulay ng ating balat.


Ang Toilet paper Bow!




Ito ay isang bagay na madalas makikita sa mga "bathroom" ng mga banyaga pero sa mga pinoy "optional commodity" yan hehehe pwedeng meron pwedeng wala basta may tubig ,sabon at tabo ayos na ang buto buto. hehehe mas malinis nga daw diba? sa mgapang publikong palikuran siguraduhin mong bumili ka muna ng toilet paper bago ka pumasok at mangumpisal heheheh dahil kadlasan wala o naubos na hehehe.


Ang Sabon bow!






Muntikan ko nang makalimutan hehehe ang sabon . ibat ibang uri ng kulay,hugis,laki at bango. pero kahit ano pa ang gamitin mo mahalaga ang sabon dahila ito ang isa sa hindi maaring mawala sa iyon "bathroom" kapag may bisita ang pinoy naglalagay siya ng maraming sabon para nga naman may choice ang bisita ang bisita kung ano ang kanyang gagamitin.basta sigurihin magbanlaw ka ng mabuti kapag ikaw ay nagsabon dahil masama rin sa balat ang hindi nabanlawang sabon sa katawan hehehe. para sa akin basta bumubula pwede na hindi ako maselan pag dating sa sabon .


Hayan at lumamig na ang aking kape sana ay may natutunan tayo sa aking "entry " ngayon umaga muli pansamantalang nagpapalam ang Papa Denz asta la bye bye muna.




Martes, Agosto 30, 2011

Kailan nga ba naangkop ang salitang matanda na?


Madalas ako ay naguguluhan sa salitang "MATANDA NA". Sabi ng mga matatandang nasa barberya sila daw ay bata pa at malakas pa. Sabi naman ng mga Employers "pag dating ng 65 yrs old" mandatory retirement na ang dapat sa isang kawani o mangagawa. Yung mga nagpaparehistro para sa "senior's citizen card " sa barangay sabi nila sila ay matatanda na. pero kapag nasa umpukan ng mga seniors citizen sila daw ay mga bata pa.diba nakakalito ?


Minsan nakiramay ako sa burol ng yumaong member ng senior citizen club ,habang na sa burol nag kakuwentuhan ang mga nakikiramay.Hindi ko mapigilan na makinig sa kanilang usapan. May nagtanong kung ilang taon na ang yumao ,may nagsabing 68 yrs old. Agad na may nagsalitang bata pa pala. Bigla akong napaisip kung ilan nga ba ang tamang numero o edad para masabing matanda na ang isang tao? Madalas sa mga kabataan kapag pinagagagalitan sinasabing "Matanda ka kumilos ka na ng tama sa edad mo!" yan ang madalas ko na madinig. Pero eto ang nakakagulo minsan may nagkayayaang gumimik na mga kabataan na nasa edad 25 -27 ng umagahin sa gimikan agad na kinagalitan "saan ka galing kang bata ka? Diba "confusing"?



Basta para sa akin hindi na mahalaga kung kailan tutugma o tatama ang salitang "Matanda Na" basta kuing ikaw ay bata pa matuto kang gumalang sa mga nakakatanda,mag bigay respeto bilang pagsunod sa tamang asal para sa kapwa. Para naman sa mga matatanda na huwag naman gawing "privilage" ang pagigigng matanda ( marami ng tumatatas ang kilay na mga moralistang nagbabasa nito). Matuto rin naman na mag bigay galang sa mga nakababata dahil ang pagalang at pagrespeto sa kapwa ke bata man o matanda girl o boy bakla man o tomboy may ngipin man o wala basta magbigay ng pagrespeto sa pagkato ng bawat isa. Hindi ako naniniwala na porket matanda na eh alam na ang lahat . oo ang "wisdom" ay nasa matatanda pero kahit sapakin ninyo ako ngayon hidi ako sasangayon diyan. May matatanda na walang pinagkatandaan kaya nga pasok na pasok ang tv commercial na "Ang maling ginagawa ng matatanda sa paningin ng mga bata nagiging tama".
Sa ganang akin basta maging magalang lang sa isat isa ,respeto lang at magmahalan ang lahat hindi na mahalaga kung bata o matanda:)

Hangang sa sususnod na entry ...pansamantala asta la bye bye!














"Gadgets"



Ang "Pay phone"
Ang "Pay Phone" na siyang naging tulay ng mga tao noon hindi pa laganap ang ma "private phones" sa mga tahanan at wala pang "cellphones" at "internet" at mga "computers" Naalala ko ang kantang pinasikat ni Dingdong Avanzado "Tatlong bente singko". Tama 3 benete singko ang kailangan mo upang makatawag ka na sa mahal mo hehehehe.
Ang CB Radio
Ang "CB Radio" o "Ham Radio" dahil nga sa hindi palaganap ang ma linya ng telepono noong mga nasa dekada 80. karamihan ay gumamit ng ma cb radio o sa salitang kanto noon eh ang "calling calloing over" hehehe maraming mga nabuong radio groups noon na naging daan upang lumaganap ang mgha gum,agamit ng cb radio. diyan ko natutunan ang kahulugan ng "EB" akala ko eh eat bulaga yun pala eh "EYE BALL" so ibig sabihin eh kitakits sa mata .
Ang "pocket pager"

Eto naman ang "Pager" yan ang naging daan ng mga tao upang malaman o masabihan ng taong naghahanap sa kanila o may mensahing nais ipaabot sa taong may "pager" madugo rin ang paraan para makontak mo ang taong may ari ng pager 
1. tatawag ka sa kumpanya ng pager.
2 ibibigay mo ang napakahabang pager number.
3.ibibigay mo ang mensahe mo.

yan ang paraan ng pagamit ng pager. pwede diyan ang single send at pwede rin ang group send ng mensahe. o diba madugo hehehehe.
Ang lolo ng mga "Cell phones"
Dekada 90 ng lumabas ang pinaka lolo ng mgha cell phones ang mga "Car Phones" na hindi lang iniiwan sa kotse kungdi laging bitbit ng ma taong hindi mabubuhay kumg walang telepono. Mga analog type iyan kaya madaling ma "clone".laganap ang mha "clone" noon kaya di nagtagal eh inilabas na nila ang makaagong uri ng telepono.Naging "status symbol" iyan ng mha mayayaman lagin bit bit ang kanilang dambuhalang telepono o di kaya bitbit ni inday o ni dudong habang nakabuntot kay man o sir hehehehe

Eto na ang mga maliliit na sinaunang mobile phones

Kalagitnaan ng dekada 90 naglabasan na ang mga "Hand held " mobile phones yan na nagsimula ang paglagananp ng mga mobile phones halos lahat ng mga walang landlines eh may mga hand held phones na . mga mabibigat at may mga kalakihan pa .multi purpose yan pantawag na pang self defense pa ( mapalo ka ba naman sa ulo ). Ngayon laganap na laganap na ang telepono halos lahat bata ,matanda,girl,boy,bakla,tomboy,may ngipen o wala lahat may mga mobile phones na tanda ng pag tagap natin sa kaunlaran at pagbabago. pero naging medyo sumobra ang mga tao. hindi makuntento sa isang telepono lang yung iba 3 o 4 ang mga telepono. para daw sa negosyo ang isa,sa mga mahal sa buhay ang isa ,ang isa sa mga kaibigan,at ang isa para sa mahal hahaha bwiset nakakainis tignan ang mga taong ang daming telepono .Minsan may nakita ako na sabay sabay nag ring ang phone niya ayun si manang di mag kanda ugagasa gagawing pag sagot sa mga tawag sa kanya .Ngayon nga nauuso ang dual sim sa isang phone pwede na ang 2 network hehehehe.at laganap din ang mga promo mga unlitxt and unlicall. walang masama sa mga promo basta ang panalo eh si Juan dela Cruz. Tandaan basta masaya ang bawat pilipino nagkakausap at nag kakaugnayan sa pamamagitan ng telepono may pag kakaisa at may pag asang umunlad rin ang inang bayan.

Gabundok na pinaglumaang mobile phones








Paano mga suking mambabasa (na ayaw naman mga mag register) hangang sa susunod na entry pansamantala "asta la bye bye"













Lunes, Agosto 29, 2011

Ang "ALAK" bow!





Ang "ALAK" bow!
  1. Laging kasama sa bawat kasiyahan noon pa mang unang panahon. Ating mababasa sa Bible na ginawang alak ni Kristo Jesus ang tubig dahil sa nagkabitinan sa alak dahil sa lakas tumoma ng mga bisita ng mga kinasal sa Cana.
  2. Laging nasa hapag kainan kapag may salusalu kagaya ng birthday.
  3. Isang paraan na pagkakaroon ng "bonding" ng magkakaibigan 100% present ang alak.
  4. Sa pagluluto ng mga batikang kusinero o "Chef", madalas may sangkap na "red wine" o diba alak pa rin yan.
  5. Sa mga bahay aliwan laging may alak.
  6. Kapag may isang kabarkada na napasagot na ng "OO"ang babae na sinisinta siguirado may painom ang ating bida natural present na naman ang alak.
  7. Kapag na basted din sa kanyang sinisinta andiyan din ang alak minsan 1 on 1 sila ng lalaking nabigo o di kaya kapiling ng kanyang mga kaibigang handang dumamay sa kanyang kabiguan hangang umagahin...of course may alak.
  8. Kapag nasa malamig na lugar kailangan ng "pampainit" (eh pwede naman ang kape) kaya may alak.
  9. Kapag pinanghihinaan ng loob kukuha ng tapang sa alak.
  10. Kapag nagrerelax sa harap ng tv masarap na may alak. 


Iilan lamang yan sa mga naisip ko na kung saan laging "present" ang alak lahat iyan eh base sa aking mga karanasan.magmula sa bilang 1 hangang 10 naranasan ko lahat iyan. Ngayon ano nga ba ang napapala natin dahil sa alak? isa sa mga naisip ko ay ang economiya ng ating bansa, kapag maraming umiinom o bumibili ng alak ibig sabihin may pera ang tao, at kapag may pera ibig sabihin may trabaho o negosyo ang tao at kapag may tarabaho o negosyo buhay ang merkado ng ating bansa kaya buhay ang economiya. hindi ako isang economista kaya marahil mali rin ang akin opinyon pero iyan ay base sa mga napapanood ko sa tv commercials masaya ang mga tao kapag may pera kaya may inuman na:).
Pero may masamang epekto rin daw ang alak. lalo na kung ito ay napapasobra na.ginigiba daw ng alak ang ating "KIDNEY" at ang ating katawan. maaring maging dahilan daw ng "ulcer" ang sobrang inom ng alak. hindi ako kumukontra diyan sa bagay na iyan dahil naniniwala ako na lahat nga naman ng sobra ay mag dududlot ng masama sa ating kalusugan ngunit mas kakampi naman ako sa alak kung mag kakaroon ng debate  "sigarilyo o alak" dahil sa  Bible nakasaad na pati nga si Kristo nag himala na ang ginamit niya ay tubig upang gawing alak para mapagbigyan ang kahilingan ng kanyan ina na huwag mapahiya ang bagong kasal sa Cana. sa madaling salita ang alak nasa banal na aklat ang sigarilyo o yosi ay wala:)
isa rin na napansin ko ang mga tao na kapag nasobrahan na sa alak eh nawawala na sa tamang pagkatao,may nagiging matapang naghahanap ng away,may nagiging makapal ang mukha ,may nagiging emo, may nagiging bastos at nagiging manyakis.
kaya kapag hindi nakapag pigil at nakagawa ng kabulastugan,katarantaduhan,at kamanyakan habang nasa ilalim ng ispirito ng alak, kinabukasan kapag nahimasmasan na sasabihin hindi niya alam ang kanyang ginawa, isang gasgas na katuwiran na laging gingamit ng mga tarantadong mga hindi kayang pigilin ang ispirito ng alak. sila ang mga sumisira sa magandang dahilan para mag enjoy na kasama ang alak. Kaya sana  maglabas ng panukalang batas na kapag ang isang tao eh malalasing at gagawa ng katarantaduhan,pambabastos o pananakit habang nasa ilalim ng ispirito ng alak agad na hatulan ng bitay wala ng proseso ng paglilitis bitayin na agad. bakit ??? dahil yan ang magandang pamantayan para kahit malasing ang isang tao wala na siyang katuwiran na hindi alam ang kanyang ginagawa.
Kaya laging tatandaan masarap ang alak at masarap ang bonding kapag may alak pero kapag sumobra ang isang taong may mataas na moralidad eh angiging mistulang unggoy na nakawala sa Manila zoo.(pasintabi sa unggoy dahil alam ko na mas may class siya kesa sa isang taong lasing na nawala sa sarili)




"IF YOU DRINK DON'T DRIVE" at always " DRINK MODERATELY"

Linggo, Agosto 28, 2011

REBOLUSYON NAPAPANAHON NA LABAN SA PESTENG LAMOK

Tama ang nabasa ninyo, Inuudyok ko ang lahat ng aking mga mamababasa na panahon na upang magaklas at magarmas at mag rebolusyunm laban sa pesteng lamok! Sa oras na ito naka confime ang aking anak na si Dianne sa MCU hospital sa Lunsod ng Kalookan, Huwebes ng tanghali ika 18 ng Agosto 2011 umuwing nilalagnat si Dianne galing ng paaralan,masama na ang kanyang pakiramdam at siya ay \namumutla at  agad na sumuka. ito na ang sintomas na aking kinatatakutan. Idinadaing na masakit ang kangyang ulo. ako ay agad na kinabahan dahil ang aming lugar ay kabilang sa "dengue hotspot" ng Lunsod ng Quezon. Malinis naman ang kapaligiran ng aming tahanan laging inaalis ang mga maaring pamugaran ng pesteng lamok ngunit sa paaralan nadale ng lamok si Dianne.
Ngayon siya ay nagpapagaling sa hospital.




Ito ay isa ng leksyon sa akin. panahon na talaga upang siguruhin na malinis ang paligid di lamang sa ating mga tahanan,dapat sa atin naring mga nasa kapaligiran at ang mga lugar na bahagi ng ating araw araw na pamumuhay.
1) Magarmas ng mga walis upang laging walisan ang kapaligiran.
2) Magarmas ng mga pamatay insekto na hindi makakasama sa ating mga     kasambahay at mga alagang hayop.
3) Siguraduhing malinis lahat at maaliwalas ang paligid dahil sa mga masukal na parte ng kabahayan naroon ang mga mapaminsalang lamok
4) Magsiga ng mga tuyung dahon. ang usok ay ayaw ng mga lamok
5)alisan ng tubig ang mga container na nakatiwang wang o hindi ginagamit.
6) Kung kinakailangan na mag ipon ng tubig ugaliing mag lagay ng takip.
 Inaanyayahan ko mag dagdag pa akyo ng mga dapat gawin upang mapigilan na at mawakasan na ang pesteng mga lamok.
 Salamat sa lahat ng nag-alay ng dasal para sa maagap na kagalingan ni Dianne. mag popost ako ng update sa mga sususnod na araw.




''HUWAG MATAKOT! HUWAG MAGPASUPIL! HUWAG PAYAGANG MAGHARI ANG MGA MAPAMESTENG LAMOK SA ATING BAYAN"

Sabado, Agosto 27, 2011

Ang "Goto Batangas " bow!

Minsan na may nag tanong sa akin kung anong pagkain ang hinahanap hanap ko? mabilis pa sa alas quatro ang sagot ko! namimiss ko na ang "Goto Batangas".


Ano nga ba ang "Goto batangas" ?
Ang sagot na maibibigay ko ay ito ay kakakaiba sa alam nating "Goto" na may halong bigas o malagkit rice. Ito ay gawa sa mga laman loob ng baka o "cow", maari rin na gamitin ang tuwalya ng baka o "Ox tripes". maihahambing ito sa lutong "Papaitan" ng mga Ilokano. masarap ito kapag may inuman,o ano pa man maari papakin mo lang o sabayan mo ng puto na may keso.


Maaring mong gawin ang "Goto Batangas" madali lamang ito narito ang mga sangkap na kakailanganin.


Ingridients:
. oil o mantika
. garlic o bawang
. tripes o tuwalya ng baka o "cow"
. vinegar o suka
. salt o asin
. pepper o paminta
. chili o sili ( mas masarap kung siling labuyo)


Paraan ng pagluluto


pakuluan ang mga tuwalya at laman loob ng baka hangang ito ay lumabot. pakuluan at kapag sigurado ka ng malambot na ang mga pangunahing sangkap.
hanguin at hiwahiwain ng maliit o "bite sizes". mag painit ng mantika sa isang kaldero. igisa ang bawang at atchuete at ang pinakuluang mga tuwalya ng baka at laman loob hangang sa ito ay mamula na. sanggkapan ng 1/8 cup na suka. makalipas ang ilang minuto lagyan ng tubig para magkaroon ng sabaw depende sa dami ng gusto mong sabaw. pag kulo na eh di kainan na at inuman na.


mas sasarap ang "Goto Batangas kapag nilagyan ng siling labuyo,kalamansi at sinibak na sibuyas


hangang sa muli :)

Ang "Pakaplog" bow!

Bago muna ang lahat hayaan ninyo muna akong batiin kayo ng isang maulang umaga  ng araw ng Sabado ika-27 ng Agosto taong 2011. Alam ko karamihannsa inyo ay pailyar na sa "PA-KAP-LOG" (ngunit sa ilang mga moralista na makakabasa nito marahil ay kanila ng iniisip na ito ay salitang bastos ).Easy lang mga kaibigan mga tagusbaybay ( salamat naman kung meron na) ang "pakaplog " ay sikat sa mga karenderia,mga canteen sa mga opisna at sa mga pabrika sikat din ito sa mga masa na gaya ng mga taxi driver at mga taong laging "on the go". Ating himaying ang bawat kataga na dinaglat upang mabuo ang salitang "PAKAPLOG".


PA-Pinaiksing salita na galing sa pandesal. na tinatawag na "tinapay ng masang Pilipino". sa ngayon ito ay nagkakahalaga ng 2.50 Php ang bawat isa. may kataasan na rin dahil sa di mapigiulang pagtaas ng mga presyo ng mga pangunahing sangkap ng tinapay na ito. Ngugit kulang ang almusal kung wala ito sa umaga. eka nga ng isang Juan dela Cruz ang pandesal ay isa na ring matatawag na tanda ng ating pag ka pinoy.


KAP- Kinuha sa salitang kape. natural ang almusal ay hindi kumpleto kung walang kape. wala ng pakialaman o eka nga "walang basagan ng trip" sa anong klase ng kape yan mamahalin man o 3 in 1 yan binabanatan mong kape basta parte ang kape ng almusal tuwing umaga ng mga pinoy "from Manila to around the world"


LOG- Galing sa salitang itlog. ang itlog ang pinakamasutanyang sangkap ng "PAKAPLOG". Eto ang nagdadala ng sarap sa almusal sa umaga. maraming klase ng pagluluto ang maaring gawin sa itlog. ngunit kung ito ay sa "pakaplog" kinakalang ito ay "sunny side up" at mas masarap kung medyo malasado ang pagkakaluto ng pula ng itlog. napakasarap isawsaw ng piraso ng pandesal sa malasadong pula ng itlog at pag katapos mong isubo ay itutulak mo ng napakainit na kape.


Yan mga pagkain na bumubuo ng "PAKAPLOG"
muli ito ang Papa Denz na bumabati ng isang magandang umaga sa lahat,tara almusal na tayo, oo almusal ka diyan sa inyo abuso ka na kung ipaghahain pa kita!

Biyernes, Agosto 26, 2011

Ang pesteng LAMOK!

Panahon na naman ng tagulan. dito sa ating bayan maraming mga lugar ngayon ang tinatawag na "Dengue Hot Spot". Ano nga ba ang "Dengue"? Ito ay isang uri ng virus na nakukuha sa lamok. Napakarami ng naging biktima ang mga pesteng lamok na iyan karamihan ay mga bata. Ngunit walang pinipili ang lamok gaya nga ng lagi kong sinasabi Girl/Boy,Bakla/Tomboy.Bata/Matanda may ngipin man o wala ay maaring maging biktima ng pesteng lamok na nag dadala ng "dengue virus".


Mga palatandaan na ang isang tao ay may dengue:
 1) Mataas na lagnat
 2) Pananakit ng ulo at kalamnan.
 3) Pananakit ng tiyan.
 4) At pagbaba ng bilang ng platelet ng dugo.


Ano ang mga dapat gawin?


  1) Patuloy na bigyan ng "fluids" ang maysakit
  2) At kung malala na ang biktima kailangan na ang  pagsasalin ng dugo.




Paano maiiwasan ang pagkalat ng "Dengue Virus"


  1) Panatilihing malinis ang kapaligiran
  2) Takpan ang mga drum o timba na pinagii,bakan ng tubig.
  3) Alisin ang mga lumang gulong at mga maaring mapagitlogan ng mga lamok.


At tatandaan "PREVENTION IS BETTER THAN CURE"


At kung kinakailangan na magalsa ang buong taong bayan laban sa mga pesteng lamok dapat makibahagi ka, oo ikaw dahil kung magpapabaya ka maaring maging biktima ka ng pesteng lamok na yan!!!



Ang nabuong "FRIENDSHIP" dahil sa "CRIME CITY ng FACEBOOK"

Halos lahat ngayon ay may "Facebook", Matanda ,bata ,girl,boy ,bakla o tomboy may ngipin o wala. Isa ako sa may account ng "Facebook"na ginagamit ko sa pakikipag ugnayan sa mga kamaganak kaibigan at higit sa lahat sa aking mahal sa buhay. dito rin ako nalibang na maglaro ng ilang "FB" games . sa dinami dami ng laro sa "Crime City " ako nahilig dito nagsimula na dumami ang aking "facebook friends" dahil sabi nga sa larong ito " the more mafia you have the stronger you will be". Dumami ang aking kaibigan na naglalaro ng "Crime City" dahil sa mga "add me groups" na aking nasalihan at sa mga ilang  "help groups" .ngunit sa dinami dami ng mga nakadd sa aking mafia may mga iilang tao na naging malapit sa akin, lalo na ng kami ay mga naguusap usap sa pamamagitan ng "Skype". naging malalapit sa isat isa at sa hindi inaasahang pagkakataon nagkaroon ng "Grand EB" Dito kami nag kitakits sa mata at nagkausap ng harapan nakilala lalo ang isa't isa. hehehehe diba masaya? ito ay naganap noong August 14,2011. sana muli tayong magkitakits sa mata mga "Skyperz"

Ang aking unang entry sa "Blog"

Ngayon ay Biyernes ika 26 ng buwan ng Agosto taong 2011. ito ay isang ordinanryong araw lamang para sa mga karamihan ngunit sa mga nagdidiwang ng kanilang kaarawan ,anibersaryo o ano pa man ito ay isang mahalagang araw. Ngayon ay aming 19th month anniversary ng aking mahal na si Camz. biruin mo umabot na kami sa halos mag dadalawang taon na. Masaya kami sa isa't isa kahit para kaming aso at pusa pag hindi nagkakasundo sa ilang bagay. Pero hangang ngayon kami pa rin. Nasasabik na ako sa araw na makapiling ang aking mahal upang makasama siya sa bawat araw at gabi. basta  masaya ako ngayon dahil kami pa rin kahit ang panahon sa labas ay kasalukuyang bumubuhos ang napakalas na ulan. masaya pa rin ako dahil sa oras na ito kausap ko si Camz sa pamamagitan ng Skype, libre na one to sawa pa at nakikita pa namin ang isat isa hehehehehe. basta abangan pa ninyo ang mga entry na aking ipoposte dit sa aking blog kung saan aking pakakawalan ang aking kakulitan ang aking pagkamatanungin sa lahat ng bagay , sana ay subaybayan ninyo hehehehehe


asta la bye bye muna,
Papa Denz