Bago muna ang lahat hayaan ninyo muna akong batiin kayo ng isang maulang umaga ng araw ng Sabado ika-27 ng Agosto taong 2011. Alam ko karamihannsa inyo ay pailyar na sa "PA-KAP-LOG" (ngunit sa ilang mga moralista na makakabasa nito marahil ay kanila ng iniisip na ito ay salitang bastos ).Easy lang mga kaibigan mga tagusbaybay ( salamat naman kung meron na) ang "pakaplog " ay sikat sa mga karenderia,mga canteen sa mga opisna at sa mga pabrika sikat din ito sa mga masa na gaya ng mga taxi driver at mga taong laging "on the go". Ating himaying ang bawat kataga na dinaglat upang mabuo ang salitang "PAKAPLOG".
PA-Pinaiksing salita na galing sa pandesal. na tinatawag na "tinapay ng masang Pilipino". sa ngayon ito ay nagkakahalaga ng 2.50 Php ang bawat isa. may kataasan na rin dahil sa di mapigiulang pagtaas ng mga presyo ng mga pangunahing sangkap ng tinapay na ito. Ngugit kulang ang almusal kung wala ito sa umaga. eka nga ng isang Juan dela Cruz ang pandesal ay isa na ring matatawag na tanda ng ating pag ka pinoy.
KAP- Kinuha sa salitang kape. natural ang almusal ay hindi kumpleto kung walang kape. wala ng pakialaman o eka nga "walang basagan ng trip" sa anong klase ng kape yan mamahalin man o 3 in 1 yan binabanatan mong kape basta parte ang kape ng almusal tuwing umaga ng mga pinoy "from Manila to around the world"
LOG- Galing sa salitang itlog. ang itlog ang pinakamasutanyang sangkap ng "PAKAPLOG". Eto ang nagdadala ng sarap sa almusal sa umaga. maraming klase ng pagluluto ang maaring gawin sa itlog. ngunit kung ito ay sa "pakaplog" kinakalang ito ay "sunny side up" at mas masarap kung medyo malasado ang pagkakaluto ng pula ng itlog. napakasarap isawsaw ng piraso ng pandesal sa malasadong pula ng itlog at pag katapos mong isubo ay itutulak mo ng napakainit na kape.
Yan mga pagkain na bumubuo ng "PAKAPLOG"
muli ito ang Papa Denz na bumabati ng isang magandang umaga sa lahat,tara almusal na tayo, oo almusal ka diyan sa inyo abuso ka na kung ipaghahain pa kita!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento