Lunes, Agosto 29, 2011

Ang "ALAK" bow!





Ang "ALAK" bow!
  1. Laging kasama sa bawat kasiyahan noon pa mang unang panahon. Ating mababasa sa Bible na ginawang alak ni Kristo Jesus ang tubig dahil sa nagkabitinan sa alak dahil sa lakas tumoma ng mga bisita ng mga kinasal sa Cana.
  2. Laging nasa hapag kainan kapag may salusalu kagaya ng birthday.
  3. Isang paraan na pagkakaroon ng "bonding" ng magkakaibigan 100% present ang alak.
  4. Sa pagluluto ng mga batikang kusinero o "Chef", madalas may sangkap na "red wine" o diba alak pa rin yan.
  5. Sa mga bahay aliwan laging may alak.
  6. Kapag may isang kabarkada na napasagot na ng "OO"ang babae na sinisinta siguirado may painom ang ating bida natural present na naman ang alak.
  7. Kapag na basted din sa kanyang sinisinta andiyan din ang alak minsan 1 on 1 sila ng lalaking nabigo o di kaya kapiling ng kanyang mga kaibigang handang dumamay sa kanyang kabiguan hangang umagahin...of course may alak.
  8. Kapag nasa malamig na lugar kailangan ng "pampainit" (eh pwede naman ang kape) kaya may alak.
  9. Kapag pinanghihinaan ng loob kukuha ng tapang sa alak.
  10. Kapag nagrerelax sa harap ng tv masarap na may alak. 


Iilan lamang yan sa mga naisip ko na kung saan laging "present" ang alak lahat iyan eh base sa aking mga karanasan.magmula sa bilang 1 hangang 10 naranasan ko lahat iyan. Ngayon ano nga ba ang napapala natin dahil sa alak? isa sa mga naisip ko ay ang economiya ng ating bansa, kapag maraming umiinom o bumibili ng alak ibig sabihin may pera ang tao, at kapag may pera ibig sabihin may trabaho o negosyo ang tao at kapag may tarabaho o negosyo buhay ang merkado ng ating bansa kaya buhay ang economiya. hindi ako isang economista kaya marahil mali rin ang akin opinyon pero iyan ay base sa mga napapanood ko sa tv commercials masaya ang mga tao kapag may pera kaya may inuman na:).
Pero may masamang epekto rin daw ang alak. lalo na kung ito ay napapasobra na.ginigiba daw ng alak ang ating "KIDNEY" at ang ating katawan. maaring maging dahilan daw ng "ulcer" ang sobrang inom ng alak. hindi ako kumukontra diyan sa bagay na iyan dahil naniniwala ako na lahat nga naman ng sobra ay mag dududlot ng masama sa ating kalusugan ngunit mas kakampi naman ako sa alak kung mag kakaroon ng debate  "sigarilyo o alak" dahil sa  Bible nakasaad na pati nga si Kristo nag himala na ang ginamit niya ay tubig upang gawing alak para mapagbigyan ang kahilingan ng kanyan ina na huwag mapahiya ang bagong kasal sa Cana. sa madaling salita ang alak nasa banal na aklat ang sigarilyo o yosi ay wala:)
isa rin na napansin ko ang mga tao na kapag nasobrahan na sa alak eh nawawala na sa tamang pagkatao,may nagiging matapang naghahanap ng away,may nagiging makapal ang mukha ,may nagiging emo, may nagiging bastos at nagiging manyakis.
kaya kapag hindi nakapag pigil at nakagawa ng kabulastugan,katarantaduhan,at kamanyakan habang nasa ilalim ng ispirito ng alak, kinabukasan kapag nahimasmasan na sasabihin hindi niya alam ang kanyang ginawa, isang gasgas na katuwiran na laging gingamit ng mga tarantadong mga hindi kayang pigilin ang ispirito ng alak. sila ang mga sumisira sa magandang dahilan para mag enjoy na kasama ang alak. Kaya sana  maglabas ng panukalang batas na kapag ang isang tao eh malalasing at gagawa ng katarantaduhan,pambabastos o pananakit habang nasa ilalim ng ispirito ng alak agad na hatulan ng bitay wala ng proseso ng paglilitis bitayin na agad. bakit ??? dahil yan ang magandang pamantayan para kahit malasing ang isang tao wala na siyang katuwiran na hindi alam ang kanyang ginagawa.
Kaya laging tatandaan masarap ang alak at masarap ang bonding kapag may alak pero kapag sumobra ang isang taong may mataas na moralidad eh angiging mistulang unggoy na nakawala sa Manila zoo.(pasintabi sa unggoy dahil alam ko na mas may class siya kesa sa isang taong lasing na nawala sa sarili)




"IF YOU DRINK DON'T DRIVE" at always " DRINK MODERATELY"

1 komento:

  1. MAY TAMA KA PAPA DENZ GAYA KO KASI MGKATUKAYO TAYU , ang alak ay nagpapaligaya sa puso ng tao 25 Huwag mong ipagmayabang ang lakas mo sa inuman,
    marami na ang napahamak sa pag-inom ng alak.
    26 Kapag pinabaga at binasa ang patalim, nasusubok ang husay nito,
    sa kanyang pag-inom nakikilala ang maginoo.
    27 Ang alak ay nagpapasigla sa buhay
    kapag ito’y ininom nang katamtaman.
    Ano ang sarap ng mabuhay kung walang alak?
    Ang alak ay nilikha upang magpaligaya sa tao.
    28 Kung ang alak ay iniinom nang napapanahon at nang katamtaman, ito ay nagpapaligaya sa puso at nagpapasigla ng kalooban.

    TumugonBurahin