Tama ang nabasa ninyo, Inuudyok ko ang lahat ng aking mga mamababasa na panahon na upang magaklas at magarmas at mag rebolusyunm laban sa pesteng lamok! Sa oras na ito naka confime ang aking anak na si Dianne sa MCU hospital sa Lunsod ng Kalookan, Huwebes ng tanghali ika 18 ng Agosto 2011 umuwing nilalagnat si Dianne galing ng paaralan,masama na ang kanyang pakiramdam at siya ay \namumutla at agad na sumuka. ito na ang sintomas na aking kinatatakutan. Idinadaing na masakit ang kangyang ulo. ako ay agad na kinabahan dahil ang aming lugar ay kabilang sa "dengue hotspot" ng Lunsod ng Quezon. Malinis naman ang kapaligiran ng aming tahanan laging inaalis ang mga maaring pamugaran ng pesteng lamok ngunit sa paaralan nadale ng lamok si Dianne.
Ngayon siya ay nagpapagaling sa hospital.
Ito ay isa ng leksyon sa akin. panahon na talaga upang siguruhin na malinis ang paligid di lamang sa ating mga tahanan,dapat sa atin naring mga nasa kapaligiran at ang mga lugar na bahagi ng ating araw araw na pamumuhay.
1) Magarmas ng mga walis upang laging walisan ang kapaligiran.
2) Magarmas ng mga pamatay insekto na hindi makakasama sa ating mga kasambahay at mga alagang hayop.
3) Siguraduhing malinis lahat at maaliwalas ang paligid dahil sa mga masukal na parte ng kabahayan naroon ang mga mapaminsalang lamok
4) Magsiga ng mga tuyung dahon. ang usok ay ayaw ng mga lamok
5)alisan ng tubig ang mga container na nakatiwang wang o hindi ginagamit.
6) Kung kinakailangan na mag ipon ng tubig ugaliing mag lagay ng takip.
Inaanyayahan ko mag dagdag pa akyo ng mga dapat gawin upang mapigilan na at mawakasan na ang pesteng mga lamok.
Salamat sa lahat ng nag-alay ng dasal para sa maagap na kagalingan ni Dianne. mag popost ako ng update sa mga sususnod na araw.
''HUWAG MATAKOT! HUWAG MAGPASUPIL! HUWAG PAYAGANG MAGHARI ANG MGA MAPAMESTENG LAMOK SA ATING BAYAN"
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento