Minsan nakiramay ako sa burol ng yumaong member ng senior citizen club ,habang na sa burol nag kakuwentuhan ang mga nakikiramay.Hindi ko mapigilan na makinig sa kanilang usapan. May nagtanong kung ilang taon na ang yumao ,may nagsabing 68 yrs old. Agad na may nagsalitang bata pa pala. Bigla akong napaisip kung ilan nga ba ang tamang numero o edad para masabing matanda na ang isang tao? Madalas sa mga kabataan kapag pinagagagalitan sinasabing "Matanda ka kumilos ka na ng tama sa edad mo!" yan ang madalas ko na madinig. Pero eto ang nakakagulo minsan may nagkayayaang gumimik na mga kabataan na nasa edad 25 -27 ng umagahin sa gimikan agad na kinagalitan "saan ka galing kang bata ka? Diba "confusing"?
Basta para sa akin hindi na mahalaga kung kailan tutugma o tatama ang salitang "Matanda Na" basta kuing ikaw ay bata pa matuto kang gumalang sa mga nakakatanda,mag bigay respeto bilang pagsunod sa tamang asal para sa kapwa. Para naman sa mga matatanda na huwag naman gawing "privilage" ang pagigigng matanda ( marami ng tumatatas ang kilay na mga moralistang nagbabasa nito). Matuto rin naman na mag bigay galang sa mga nakababata dahil ang pagalang at pagrespeto sa kapwa ke bata man o matanda girl o boy bakla man o tomboy may ngipin man o wala basta magbigay ng pagrespeto sa pagkato ng bawat isa. Hindi ako naniniwala na porket matanda na eh alam na ang lahat . oo ang "wisdom" ay nasa matatanda pero kahit sapakin ninyo ako ngayon hidi ako sasangayon diyan. May matatanda na walang pinagkatandaan kaya nga pasok na pasok ang tv commercial na "Ang maling ginagawa ng matatanda sa paningin ng mga bata nagiging tama".
Sa ganang akin basta maging magalang lang sa isat isa ,respeto lang at magmahalan ang lahat hindi na mahalaga kung bata o matanda:)
Hangang sa sususnod na entry ...pansamantala asta la bye bye!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento