Huwebes, Setyembre 29, 2011
Linyang pandiga#9
Pangit man sa iyong paningin...
Subukan mo akong ibigin....
Pag di ka lumigaya sa aking piling....
Saka mo ako limutin....
Miyerkules, Setyembre 28, 2011
Sept.27 2011 bagyong "pedring"
Maghapon at magdamag na bumuhos ang malakas na ulan na dala ni bagyong "Pedring" may dala rin siyang malakas na hangin. Ang Sto.Nino river sa Marikina ay umabot sa "critical level" kaya naman ang mga nakaranas ng hagupit at pagbaha ni bagyong "Ondoy" noon ay mga nakapaghanda na sa ano mang mangyayari. Dito sa Novaliches ay hinagupit din at nagbigay pa ng babala na ang La Mesa dam ay nagbabadyang mag over flow kung magpapatuloy pa ang pagbuhos ng malakas na ulan. Malaki rin ang pinsalang dulot ni "Pedring" nag dulot pa nga ito ng "storm surge " at napinsala ang isang bahagi ng "break water". Mapalad kami at ang lugar na aning tinitirhan ay hindi apektado ng pagbaha sa tuwing may malakas na bagyo. Ngunit nagtiis naman kami sa 8 oras na "brownout " dahil sa mga puno at poste na nabuwal dahil sa lakas ng hangin.
Naging handa na ang pamahalaan sa mga ano pinsalang maaring idulot sa mga mamayan dahila sa pagtaas ng tubig baha. Natuto na rin ang mga bawat lokal na pamahalaan na maging maagap sa mga pag bibigay babala sa kanilang mga nasasakupan pati na ang mga ahensiya ng pamahalaan ay naging maagap din gaya ng sa pagsuspinde ng mga kalsae sa elementarya at sa mga nasa "high school". Kakaiba na ang mga bagyong tumatama sa Pilipinas nasa mga malalakas na "storm signal" na sila kadalasan at hindi lang malalakas na hanging ang dala kungdi pati ang malalakas na buhos ng ulan. sabi nga ng PAGASA-DOST ang ahensiyang nangagasiwa sa ating bansa tungkol sa mga panahon, ang ibinuhis na dami ng ulan ni "Pedring ay katumbas ng pagbuhos ng normal na ulan sa loob ng 315 araw ay kanyang ibinuhos lamang sa loob ng isang magdamag na walang patid na pagulan.
Naway laging maging handa nag bawat isa sa atin, nasa panahon na tayo ng tagulan sa ating bansa at panahon ng mga pagpasok ng mga bagyo. Laging ugaling may handang gamot.pagkain, kandila at ang mga mahahalagang gamit at mga dokumento ay ihianda sa madaling makukiha kung kinakailangan na lumikas. tandaan ang kaligtasaan ng bawat isa ay kayang paghandaan.
Mga larawan na aking kinunan sa labas ng aming bahay habang nanalasa ang bagyong"Pedring"

Linggo, Setyembre 25, 2011
Sabado, Setyembre 24, 2011
Kung mahal mo siya...PIGILAN MO SA PANINGARILYO
Ang paninigarilyo ay isang uri ng bisyo ng mga tao,mapa-lalaki o mapa-babae ,mapa-bakla mon o tombay at kahit na may ngipen o wala, Ang paninigarilyo daw ay matagal na nakasanayan sa ating lipunan. pero siyempre may mga tumututol diyan. isa na ako marahil sa mga sumusuporta sa "No Smoking Law". Dahil karapatan ko rin ang makaraoon ng malinis na hangin na aking lalanghapain.
Ang mga "second hand smoke " na ibinubuga ng ma taong naninigarilyo ay nakakasama rin sa ma taong hindi naninigarilyo. Talamak na talamak na ang mga "slogan at posters" na ginaastusan ng pamahalaan upang mapatigil ang mga tao na manigarilyo. Ngunit sabi nga ng mga naninigarilyo, pera naman nila ang kanilang ginagastos sa kanilang pang bili ng sigarilyo. oo nga andoon na ako pero sana naman mapasok naman sa mga saksakan ng ma tigas na kukute ng mga tao na " A smokers not only burns his money but also burns his lungs".
Ano nga naman ang pakialam natin sa mga taong nakahiligan na ang paninigarilyo? Meron tayo dapat ipakialam sa ma taong "hook" na sa yosi ,dahil mahalaga sila sa atin. Kung mahal mo pigilan mo. dahil alam naman na natin nanakakasama sa katawan ang paninigarilyo. dilang sunog baga ang napapala nila kundi ibat ibang uri ng mha kanser. "emphyzima" at nakakatanda pa ng itsura at nagiging dahilan pa ng "bad breath" kaya na yosi kadiri eh. pinaiiksi nila ang kanilang buhay.
Dati rin akong nahilig sa yosi. naging bisyo ko rin yan. pero naiwasan ko .paano ko naiwasan? basta kusa nalang akong tumigil sa yosi,parang nawalan ako ng gana sa paninigarilyo parang hindi ko na gusto yung lasa at una nakakaramdam na ako ng pang hihina ng katawan. at higit sa lahat nagkuripot ako hehehehe ibinaliong ko sa ibang pagkakagastusan ang perang imbis na ipang bili ko ng yosi.
kaya sana kung mahal natin ang taong nagsisigarilyo,pagpayuhan natin at ating awatin na sa tanikalang nakalagay sa leeg ng mga mahal natin sa buhay. Hindi pa huli dahil napatunayan ng mha doktor na sa oras na tumigil ng paninigarilyo ang isang tao agad din naman na nagkakaroon na pagbabago sa baga ng isang taong nagyoyosi. hindi ko na ipapaliwanag pa lahat ang kasamaan na maidudulot ng yosi sa katawan bugbug na bug bug na ng mga pangaral na ginawa para paalaahanan ang mga yosi addicts. Basta kapag mahal mo awatin mo!
"Tandaan ang yosi malakas makakanser,lalo na kapag hingi"
Ang mga "second hand smoke " na ibinubuga ng ma taong naninigarilyo ay nakakasama rin sa ma taong hindi naninigarilyo. Talamak na talamak na ang mga "slogan at posters" na ginaastusan ng pamahalaan upang mapatigil ang mga tao na manigarilyo. Ngunit sabi nga ng mga naninigarilyo, pera naman nila ang kanilang ginagastos sa kanilang pang bili ng sigarilyo. oo nga andoon na ako pero sana naman mapasok naman sa mga saksakan ng ma tigas na kukute ng mga tao na " A smokers not only burns his money but also burns his lungs".
Ano nga naman ang pakialam natin sa mga taong nakahiligan na ang paninigarilyo? Meron tayo dapat ipakialam sa ma taong "hook" na sa yosi ,dahil mahalaga sila sa atin. Kung mahal mo pigilan mo. dahil alam naman na natin nanakakasama sa katawan ang paninigarilyo. dilang sunog baga ang napapala nila kundi ibat ibang uri ng mha kanser. "emphyzima" at nakakatanda pa ng itsura at nagiging dahilan pa ng "bad breath" kaya na yosi kadiri eh. pinaiiksi nila ang kanilang buhay.
Dati rin akong nahilig sa yosi. naging bisyo ko rin yan. pero naiwasan ko .paano ko naiwasan? basta kusa nalang akong tumigil sa yosi,parang nawalan ako ng gana sa paninigarilyo parang hindi ko na gusto yung lasa at una nakakaramdam na ako ng pang hihina ng katawan. at higit sa lahat nagkuripot ako hehehehe ibinaliong ko sa ibang pagkakagastusan ang perang imbis na ipang bili ko ng yosi.
"Tandaan ang yosi malakas makakanser,lalo na kapag hingi"
Miyerkules, Setyembre 21, 2011
September 21,1972
Isang magandang umaga para sa lahat. Kape na muna mga kaibigan ng ganahan tayo sa araw na ito. Kaibigan may naalala ka ba nga ngayon sa araw na ito?marahil ang iba ay nag cecelebrate ng kanilang kaarawan, anibersaryo o ano paman. Pero kung matatandaan mo pa noong tayo ay mga nasa elementary at high school malamang alam na alam mo kung ano ang naanap sa bayan natin noon September 21.1972.
Idiniklara ni Pngulong Ferdinand E. Marcos ang Batas Militar sa buong bansa sa pamamagitan ng "Proclamation 1081''.Sinusponde ang karapan ng mga sibilyan at inalis ang "Habeas Corpuz". Sa kadahilanang lumalaganap na daw ang kumunismo sa buong bansa. Idenipensa ni Pangulong Marcos ang kanyang proklamation sa papamagitan ng mga pagbangit ng mga banta at mga nagaganap na kaguluhan o "civil unrest". bata pa ako noon walangpakialam sa mga nagaganap sa aking kapaligiran naalala ko lang noon na sa tuwing mag hahating gabi na ay may "curfew " tinatanong ko ano ang "curfew " sa akin lolo ang tanging sagot at "bawal na ang pakalat-kalat sa lansangan kapag hating gabi na dahil huhulihin ka ng mga PC". nakatira kami noon sa Legarda st. sa Sampaloc, yung kung saan natabunan na ng fly over ang dating kalsada na pamilyar sa akin. kadalasan nga noon nakakakita ako ng mha nagrarally papunta ng Malacanyang. malamang mga lolo at lola na sila ngayon o kung di man mga namayapa na rin.
makalipas na magdaan ang mga nagrarally bigla naman makikita namin sila mula sa bintana ng aming bahay ,sila ay nagtatakbuhan na mga pabalik patungo ng Recto. dahil hinahabol na sila ng mha PC na ang dala ay mga rattan na pananga at mga mahahabang yantok na pamalo sila ay mga mistulang "spartans".
Kinabukasan mababasa na lamang sa mga pahayagan ang mga nadakip na mga miyembro ng mga nag rally. Maraming mga slogans at kanta ang mga nadidinig ko noon tungkol sa Martial Law is na rito ang awiting "May bagong silang" ang tamang titulo pala nito ay "Bagong Lipunan". panay panay ang patugtug nito sa mga radyo at malamang ito ang unang gawang pinoy na music video.Maraming mga naganap noon panahon na iyon mga karamihan pa na eh panay panay mga lamang ng pahayagan at laging live sa tv ang mga ginagawa ng pamahalaan. mga pinatatayung gusali mga pinagagawang kalsada at kung anik anik pa na pag pagpapapogi sa bayan.basta para sa akin 39 years ago ng maganap ang isang bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas. ayon sa iba madilim na bahagi ng ating kasaysayan ngunit ayon naman din sa iba naging magandang bahagi daw ng bayan. Ayaw ko maging "bias" dito sa aking pagbabalik tanaw, basta ito ay naging marka na sa ating mga Pilipino na minsan nakaranas tayo na sumailalim sa batas militar sa panahon ng walang himagsikan,Maging aral na sana nga ito sa mga kabataan na nasa kasalukuyang panahon ang ikagaganda ng ating bayan. may naidulot mang pangit o maganda ang batas B.P.1081 bahagi nalang ito ng ating kasaysayan.
Martes, Setyembre 20, 2011
Linggo, Setyembre 18, 2011
Ang Paborito Kong Ulam!
Sinigang na Bangus
Sinigang na Baboy
Sinigang na Baka
Sinigang na Sugpo o Hipon
Sinigang na Panga ng Tuna
Sinigang sa Misu
Sinigang na Balut
Sinigang na Corned Beef
Ayan ang mga ibat ibang "Variations " ng ma sinigang basta kung ano ang pasok sa panlasa mo isigang mo:)
Paalala : Ang mga larawan ginamit ay hindi pagaari ng may akda.
Biyernes, Setyembre 16, 2011
Linyang pangdiga#6
Huwebes, Setyembre 15, 2011
MGA BOSES SA LIKOD NG MGA "CARTOONS"
Minsan na panood ko sa cable channel ang mga tao na nasalikod ng paborito ng lahat na cartoon show ang "The Simpson"doon ko nalaman na ang boses ni Bart Simpsons ay pag mamayari ng isang babae.
Narito ang ilang mga may ari ng mga boses na nasalikod ng ating mga naging paboritong mga cartoons at mga kinalakihamn natin.
Paalala: Ang mga larawan na narito ay mga hindi ko pagaari.
Narito ang ilang mga may ari ng mga boses na nasalikod ng ating mga naging paboritong mga cartoons at mga kinalakihamn natin.
Paalala: Ang mga larawan na narito ay mga hindi ko pagaari.
Linyang Pandiga #5
Matagal ko na nais na mapalapit sa iyo,nguit na pakaraming hadlangg sa paglapit ko sa iyo, Sana kahit saglit tumigil ang pagtakbo ng oras upang tuluyang makalapit sa iyo.
Miyerkules, Setyembre 14, 2011
Pepsi o Coke?
Yan ang madalas na katanungan sa mga tindahan sa tuwing ako ay bibili ng "softdrinks" noong ako ay bata pa, Ngayon may anak na ako at inuutusan ko na bumili ng "soft drinks " ako ay kanyang tinatanong pa rin. kahit sa mga restaurant o karinderya ganun din,tatanungin ka pa rin nila.
Hindi ko tuloy napigilang maging makulit ng aking diwa. Nag hanap ako ng mga larawan kay Pareng Google ko ng ilang mga larawan na nag bibigay idea tungkol sa "soft drinks brand wars"at ito ang aking mga nakalap.
(Paalala: Ang mga larawang aking ipinost dito ay hindi ko mga pagaari)
Boxing gloves na may mga logo ng 2 kumpanya. Sumisimbolo agad na may laban namamagitan sa kanila.
2 uri ng "low calorie" brands nila. nang inilabas ng Pespsi ang kanilang "diet pepsi"naglabas ang coke ng "coke zero".
Sa mga "vending machines" laging magkatabi ang coke at pepsi.
Pero papaano kung ganito na ang uri digmaan ng dalawang mga soft drinks,makialam na kaya ang mga pulis?
Isang miyembro ng Pepsi gang ang ang walang awang binugbog ng apat na miyembro ng Coke gang. walang mga gustong tumistigo sa naganap na krimen.
Makalipas ang ilang araw may natagpuang isang miyembro ng Coke gang ang nakahandusay at agaw buhay. Muli walang mga gustong tumistigo sa krimen na naganap.
Nagpatuloy resbakan ng dalawang gang lagi nalamang may mga nasasaktan sa kanilang digmaan. hangang kailan kaya ang digmaan na ito? kayo ano sa palagay ninyo? magkakaroon kaya ng kapayapaan sa pagitan ng dalawang gang? Iiwanan ko kayo ng isang katanungan...kapag ikaw ay nainitan, nauhaw ano ang pipiliin mo?Pepsi ba o Coke? Hangang sa muli "Asta la bye bye"

Martes, Setyembre 13, 2011
2011 Ms. Universe Beauty Pageant Winners
Katatapos lamang kanina ng 2011 Ms. Universe Beauty Peagent na ginanap sa bansang Brazil. Kakaiba ang naging patimpalak ng kagandahan dahil gagaling sumagot ng mga kalahok at lalo na ng mag wagi ang bansang Angola. naririto ang mga nagwagi:
Ang Ms Universe 2011
Ms. Leila Lopes
Country:Angola
Hometown: Benguela
Age: 25
1st Runner Up
Ms.Olesa Stefanko
Country: Ukraine
Hometown Ukraine
Age:23
2nd Runner Up
Ms.Priscila Machado
Country: Brazil
Hometown: Canoas
Age: 25
4th Runner Up
Ms.Shamcey Supsup
Country: Philippines
Hometown: General Santos City
Age: 25
4th Runner Up
Ms. Luo Zilin
Country: China
Hometown: Shanghai
Age:24
Ang Ms Universe 2011
Ms. Leila Lopes
Country:Angola
Hometown: Benguela
Age: 25
1st Runner Up
Ms.Olesa Stefanko
Country: Ukraine
Hometown Ukraine
Age:23
2nd Runner Up
Ms.Priscila Machado
Country: Brazil
Hometown: Canoas
Age: 25
4th Runner Up
Ms.Shamcey Supsup
Country: Philippines
Hometown: General Santos City
Age: 25
4th Runner Up
Ms. Luo Zilin
Country: China
Hometown: Shanghai
Age:24
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)