Sabado, Setyembre 24, 2011

Kung mahal mo siya...PIGILAN MO SA PANINGARILYO

Ang paninigarilyo ay isang uri ng bisyo ng mga tao,mapa-lalaki o mapa-babae ,mapa-bakla mon o tombay at kahit na may ngipen o wala, Ang paninigarilyo daw ay matagal na nakasanayan sa ating lipunan. pero siyempre may mga tumututol diyan. isa na ako marahil sa mga sumusuporta sa "No Smoking Law". Dahil karapatan ko rin ang makaraoon ng malinis na hangin na aking lalanghapain. 




Ang mga "second hand smoke " na ibinubuga ng ma taong naninigarilyo ay nakakasama rin sa ma taong hindi naninigarilyo. Talamak na talamak na ang mga "slogan at posters" na ginaastusan ng pamahalaan upang mapatigil ang mga tao na manigarilyo. Ngunit sabi nga ng mga naninigarilyo, pera naman nila ang kanilang ginagastos sa kanilang pang bili ng sigarilyo. oo nga andoon na ako pero sana naman mapasok naman sa mga saksakan ng ma tigas na kukute ng mga tao na " A smokers not only burns his money but also burns his lungs".




Ano nga naman ang pakialam natin sa mga taong nakahiligan na ang paninigarilyo? Meron tayo dapat ipakialam sa ma taong "hook" na sa yosi ,dahil mahalaga sila sa atin. Kung mahal mo pigilan mo. dahil alam naman na natin nanakakasama sa katawan ang paninigarilyo. dilang sunog baga ang napapala nila kundi ibat ibang uri ng mha kanser. "emphyzima" at nakakatanda pa ng itsura at nagiging dahilan pa ng "bad breath" kaya na yosi kadiri eh. pinaiiksi nila ang kanilang buhay.






Dati rin akong nahilig sa yosi. naging bisyo ko rin yan. pero naiwasan ko .paano ko naiwasan? basta kusa nalang akong tumigil sa yosi,parang nawalan ako ng gana sa paninigarilyo parang hindi ko na gusto yung lasa at una nakakaramdam na ako ng pang hihina ng katawan. at higit sa lahat nagkuripot ako hehehehe ibinaliong ko sa ibang pagkakagastusan ang perang imbis na ipang bili ko ng yosi.



 kaya sana kung mahal natin ang taong nagsisigarilyo,pagpayuhan natin at ating awatin na sa tanikalang nakalagay sa leeg ng mga mahal natin sa buhay. Hindi pa huli dahil napatunayan ng mha doktor na sa oras na tumigil ng paninigarilyo ang isang tao agad din naman na nagkakaroon na pagbabago sa baga ng isang taong nagyoyosi. hindi ko na ipapaliwanag pa lahat ang kasamaan na maidudulot ng yosi sa katawan bugbug na bug bug na ng mga pangaral na ginawa para paalaahanan ang mga yosi addicts. Basta kapag mahal mo awatin mo!


"Tandaan ang yosi malakas makakanser,lalo na kapag hingi"

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento