Miyerkules, Setyembre 21, 2011
September 21,1972
Isang magandang umaga para sa lahat. Kape na muna mga kaibigan ng ganahan tayo sa araw na ito. Kaibigan may naalala ka ba nga ngayon sa araw na ito?marahil ang iba ay nag cecelebrate ng kanilang kaarawan, anibersaryo o ano paman. Pero kung matatandaan mo pa noong tayo ay mga nasa elementary at high school malamang alam na alam mo kung ano ang naanap sa bayan natin noon September 21.1972.
Idiniklara ni Pngulong Ferdinand E. Marcos ang Batas Militar sa buong bansa sa pamamagitan ng "Proclamation 1081''.Sinusponde ang karapan ng mga sibilyan at inalis ang "Habeas Corpuz". Sa kadahilanang lumalaganap na daw ang kumunismo sa buong bansa. Idenipensa ni Pangulong Marcos ang kanyang proklamation sa papamagitan ng mga pagbangit ng mga banta at mga nagaganap na kaguluhan o "civil unrest". bata pa ako noon walangpakialam sa mga nagaganap sa aking kapaligiran naalala ko lang noon na sa tuwing mag hahating gabi na ay may "curfew " tinatanong ko ano ang "curfew " sa akin lolo ang tanging sagot at "bawal na ang pakalat-kalat sa lansangan kapag hating gabi na dahil huhulihin ka ng mga PC". nakatira kami noon sa Legarda st. sa Sampaloc, yung kung saan natabunan na ng fly over ang dating kalsada na pamilyar sa akin. kadalasan nga noon nakakakita ako ng mha nagrarally papunta ng Malacanyang. malamang mga lolo at lola na sila ngayon o kung di man mga namayapa na rin.
makalipas na magdaan ang mga nagrarally bigla naman makikita namin sila mula sa bintana ng aming bahay ,sila ay nagtatakbuhan na mga pabalik patungo ng Recto. dahil hinahabol na sila ng mha PC na ang dala ay mga rattan na pananga at mga mahahabang yantok na pamalo sila ay mga mistulang "spartans".
Kinabukasan mababasa na lamang sa mga pahayagan ang mga nadakip na mga miyembro ng mga nag rally. Maraming mga slogans at kanta ang mga nadidinig ko noon tungkol sa Martial Law is na rito ang awiting "May bagong silang" ang tamang titulo pala nito ay "Bagong Lipunan". panay panay ang patugtug nito sa mga radyo at malamang ito ang unang gawang pinoy na music video.Maraming mga naganap noon panahon na iyon mga karamihan pa na eh panay panay mga lamang ng pahayagan at laging live sa tv ang mga ginagawa ng pamahalaan. mga pinatatayung gusali mga pinagagawang kalsada at kung anik anik pa na pag pagpapapogi sa bayan.basta para sa akin 39 years ago ng maganap ang isang bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas. ayon sa iba madilim na bahagi ng ating kasaysayan ngunit ayon naman din sa iba naging magandang bahagi daw ng bayan. Ayaw ko maging "bias" dito sa aking pagbabalik tanaw, basta ito ay naging marka na sa ating mga Pilipino na minsan nakaranas tayo na sumailalim sa batas militar sa panahon ng walang himagsikan,Maging aral na sana nga ito sa mga kabataan na nasa kasalukuyang panahon ang ikagaganda ng ating bayan. may naidulot mang pangit o maganda ang batas B.P.1081 bahagi nalang ito ng ating kasaysayan.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento