Maghapon at magdamag na bumuhos ang malakas na ulan na dala ni bagyong "Pedring" may dala rin siyang malakas na hangin. Ang Sto.Nino river sa Marikina ay umabot sa "critical level" kaya naman ang mga nakaranas ng hagupit at pagbaha ni bagyong "Ondoy" noon ay mga nakapaghanda na sa ano mang mangyayari. Dito sa Novaliches ay hinagupit din at nagbigay pa ng babala na ang La Mesa dam ay nagbabadyang mag over flow kung magpapatuloy pa ang pagbuhos ng malakas na ulan. Malaki rin ang pinsalang dulot ni "Pedring" nag dulot pa nga ito ng "storm surge " at napinsala ang isang bahagi ng "break water". Mapalad kami at ang lugar na aning tinitirhan ay hindi apektado ng pagbaha sa tuwing may malakas na bagyo. Ngunit nagtiis naman kami sa 8 oras na "brownout " dahil sa mga puno at poste na nabuwal dahil sa lakas ng hangin.
Naging handa na ang pamahalaan sa mga ano pinsalang maaring idulot sa mga mamayan dahila sa pagtaas ng tubig baha. Natuto na rin ang mga bawat lokal na pamahalaan na maging maagap sa mga pag bibigay babala sa kanilang mga nasasakupan pati na ang mga ahensiya ng pamahalaan ay naging maagap din gaya ng sa pagsuspinde ng mga kalsae sa elementarya at sa mga nasa "high school". Kakaiba na ang mga bagyong tumatama sa Pilipinas nasa mga malalakas na "storm signal" na sila kadalasan at hindi lang malalakas na hanging ang dala kungdi pati ang malalakas na buhos ng ulan. sabi nga ng PAGASA-DOST ang ahensiyang nangagasiwa sa ating bansa tungkol sa mga panahon, ang ibinuhis na dami ng ulan ni "Pedring ay katumbas ng pagbuhos ng normal na ulan sa loob ng 315 araw ay kanyang ibinuhos lamang sa loob ng isang magdamag na walang patid na pagulan.
Naway laging maging handa nag bawat isa sa atin, nasa panahon na tayo ng tagulan sa ating bansa at panahon ng mga pagpasok ng mga bagyo. Laging ugaling may handang gamot.pagkain, kandila at ang mga mahahalagang gamit at mga dokumento ay ihianda sa madaling makukiha kung kinakailangan na lumikas. tandaan ang kaligtasaan ng bawat isa ay kayang paghandaan.
Mga larawan na aking kinunan sa labas ng aming bahay habang nanalasa ang bagyong"Pedring"
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento