Miyerkules, Setyembre 14, 2011

Pepsi o Coke?

Yan ang madalas na katanungan sa mga tindahan sa tuwing ako ay bibili ng "softdrinks" noong ako ay bata pa, Ngayon may anak na ako at inuutusan ko na bumili ng "soft drinks " ako ay kanyang tinatanong pa rin. kahit sa mga restaurant o karinderya ganun din,tatanungin ka pa rin nila.
Hindi ko tuloy napigilang maging makulit ng aking diwa. Nag hanap ako ng mga larawan kay Pareng Google ko ng ilang mga larawan na nag bibigay idea tungkol sa "soft drinks brand wars"at ito ang aking mga nakalap.
(Paalala: Ang mga larawang aking ipinost dito ay hindi ko mga pagaari)




Boxing gloves na may mga logo ng 2 kumpanya. Sumisimbolo agad na may laban namamagitan sa kanila.




2 uri ng "low calorie" brands nila. nang inilabas ng Pespsi ang kanilang "diet pepsi"naglabas ang coke ng "coke zero".




Sa mga "vending machines" laging magkatabi ang coke at pepsi.


Pero papaano kung ganito na ang uri digmaan ng dalawang mga soft drinks,makialam na kaya ang mga pulis?


Isang miyembro ng Pepsi gang ang ang walang awang binugbog ng apat na miyembro ng Coke gang. walang mga gustong tumistigo sa naganap na krimen.


Makalipas ang ilang araw may natagpuang isang miyembro ng Coke gang ang nakahandusay at agaw buhay. Muli walang mga gustong tumistigo sa krimen na naganap.


Nagpatuloy resbakan ng dalawang gang lagi nalamang may mga nasasaktan sa kanilang digmaan. hangang kailan kaya ang digmaan na ito? kayo ano sa palagay ninyo? magkakaroon kaya ng kapayapaan sa pagitan ng dalawang gang? Iiwanan ko kayo ng isang katanungan...kapag ikaw ay nainitan, nauhaw ano ang pipiliin mo?Pepsi ba o Coke? Hangang sa muli "Asta la bye bye"



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento