Si Juan delz Cruz na sumasagisag sa bawat pinoy na nakatira sa loob at labas ng bansa. Suot niya ang "salakot","barong tagalog" at tsinelas na madalas na makikita sa ating mga sinaunag pilipino.
Ang ating pambansang watawat, nasumisimbolo na tayo ay malaya. Kapag panahon ng kapayaan ang kulay bughaw ang nasa itaas kapag panahon ng digmaan ang pula ang inilalagay sa ibabaw. Ngayon mas nakikilala ang ating watawat ng mga kabataan ngayon bilang "three stars and a sun".
Ang "Philippine Eagle" o aguila, ang ating pambansang ibon. Ito ay kabilang sa mga pinakamalaki, pinakamalakas sa uri ng mga agila sa buong mundo. Ito ay kabilang sa mga "critically endangered animals" sa kadahilanan ng pagkasira ng kanilang "natural habitat" dahil sa sobrang pagputol ng mga puno sa kagubatan.
Ang pambansang hayop ang kalabaw, kaakibat ng magsasaka sa kanyang pagtatanim ng mga palay at gulay sa mga kabukiran. Matitibay sa initan ang mga kalabaw at tunay na napakahalaga sa mga magbubukid.
Ang pambansang isda ang " Bangus". ito ang tinatawag na "milk fish" ito ay pangunahing isda na makikita sa mga palenge at pamilihan. maraming masasarap na luto ang maaring gawin sa bangus ang pinaka popular ay ang sinigang na bangus at daeng na bangus.
Ang pambansang dahon ang "Anahaw". ito ay ginagawang pamaypay o kaya pinaka pang bubunh nh ma bahay kubo sa probinsiya.
Ang bahay kubo sinasabing pamabansang simbolo ng mga tahanan ng mha pilipino,sa ngayon sa mag probimnsiya na lamang ito matatagpuan. kasabay ng pagbabago ng panahon ang mga pinoy ay gumaya na rin sa mga "Bungalow"row houses" at condominiums".
Ang kalesa ang pangunahing uri ng sasakyan noon panahon ng mga kastila at sa ngayon makikiyta na lamang sila sa ilang lugar sa Pilipinas.
Ang "Jeepney" mga pangunahing pampublikong sasakyan ng masang Pinoy. tanging dito lamang nagmula ang disenyo at pagawa ng mga "Jeepney" na natawag pang mha "King of the road".
Ang mga "Trycycle" sila ang mga pumalit sa mha kalesa sila ang sinasakyan ng mga masang pinoy kung saan hindi pupwede ang mgha Jeepney. Ito ay maihahalintulad sa "Tok tok" ng Bansang Thailand.
Ang pambansang kasuotan ng mga Pinoy:
Para sa mga kalakihan ay ang barong tagalog at sa mga kababaihan ay ang baro't saya. Hindi na ginagamit ito pang araw araw ng mga Pinoy, ito ay pang mga espscial na okasyon na lamang sinusuoty gaya ng kasalan at mga importanteng lakad gaya ng mga nasa "corporate world" at nasa mga senado at congress eto ang kanilang kadalasan sinusuot
May mga makabong simbolo na rin tayo ngayon sa ating bayan naririto ang ilan sa kanila:
Allan K ang pambansang ilong!
Diego ang pambansang Bading!
hehehe paano kumukulit na ang aking diwa at oras na para naman tutukan ko ang ma ilang bagay na dapat kong gawin muli "asta la byebye -ciao siopao"
ok na nasa bakit sinama nyo pa si allan k at diego......
TumugonBurahin