Biyernes, Setyembre 2, 2011

Ang "PINANGAT NA ISDA" bow!



Ang "PINANGAT NA ISDA" bow!

Pinangant na Bisugo
Ang isa sa aking paboritong luto ng isda ay ang "PINANGAT". Ito ay maihahambing sa lutong "SINIGANG".ang pagkakaiba nga lang ay walang masyadong sangkap na gulay ang pinangat at kakaunti lamang ang sabaw nito. at "speaking of sabaw" ito ang pamatay ng pinagat dahil sa kakaunti lang  eh ubod pa ng sarap. May mga nagpapangat na gumagamit ng" KAMATIS "pero ang kadalasan ay ang "KAMIAS". Ang pinagat ay isa sa mga luto na laging matatagpuan sa hapag kainan ng mga Batangenyo. namimiss ko tuloy ng ako ay nadistino sa Batangas. Madalas sa karinderya ni Tata Luis kami pumupwesto dahil bukod sa masarap ang mga luto ito ay malinis at mura pa. Sa may likod ng paradahan Mcdonalds sa bayan ng Lipa.

Narito ang mga pangunahing sangkap ng "PINANGAT"

Sariwang Bisugo"
Maaring gamitin din ang mga isdang Hasa-hasa, Tilapia, Galungung at marami pang klase ng ida ang pwedeng gamitin.

Kamias
Ang "Kamias" ay matatagupan kahit saan mang sulok ng Pilinas. Mayaman sa "Vatamin C" ang  kamias yan ang nagpapasarap sa pinangat, yan ang nalalagay ng sipa ng asim. Naalala ko ang aking lolo Nardo ,siya ay may tanim na kammias sa aming bahay sa. kapag namumga ng napakarmi ang puno ng kamias, binibilad ng lolo nardo sa bilao ang ma ito at pag tuyu na mistulang mga pasas. yung ang isinnasangakp niya sa pinangat niya.

Kamatis
Yan ay isang magandang source din ng Vitamin C. kulang ang iyong pinangat kapag walang kamatis.nagdadagdag ng kakaibang lasa ang pinagsamang kamatis at kamias sa pinangat.
Sibuyas

Maari ba naman na walang Sibuyas ang ating paboritong pinagat? Mas madami mas masarap depende na sa iyong panlasa pero mahilig ako sa sibuyas .

Siling Haba  

Ang Siling haba na nagbibigay ng anghang sa ating paboritong pinangat.kagaya ng sa Sinigang dilang sa lasa nagpapasarap ang Siling haba ,kundi pati rin sa amoy ng ating lutong pinangat.
Patis
Maaring wala o Asin ang gamitin sa ating pinangat sa katulad ko na hindi mahilig sa Patis .asing ang inilalagay ko sa aking pinangat

Ngayon kumpleto na ang ating sangkap naririto ang paraan ng pagluluto ,Madali lamang ang pagluluto kahit ngha bata o matanda na may ngipin o wala eh kayang kaya gawin ang "PINANGAT".

1. Sa isang kaserola, maglagay ng 2-3 tasang tubig. ilagay ang mga kamias,sibuyas at kamatis. Huwag kakalimutang sindihannang kalan bago iosalang ang kawali at antayin na kumulo.

2. Kapag kumulo na piratin o pisainnng sandok ang mga kamatis at kamias para lumabas ang asim ng mga ito.sa Patis .asing ang inilalagay ko sa aking pinangat

3. Ilagay na ang mga isda at timplahan ng asin o ng patis.

4. hayaan na kumulo hangang sa maluto ang isda au saka ilagay ang mga siliong haba.

5. lagyan ng vetsin kung gusto pero maaring hindi na.

Ihain habang maiinit,

Muli asta la bye bye muna ang Papa Denz ... 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento