"Ber months na!!!"
Ngayon ay ang unang araw ng buwan ng September 2011, ito ay pumatak ngayon araw ng Huwebes. Araw ng novena para kay St.Anthony de Padua. Isa naman ang buwan na nabawas sa taong na ito. Kadalasan sa ating mga mga pinoy kapag tumama na sa kalendaryo ng buwan ng September eh ito na ang naiisip " magpapasko na".Likas sa ating mga pinoy na maging "excited" kapag pumapasok na ang "ber" months. Kung sa bagay "only in the Philippines" lang naman mahaba ang celebration ng pasko.Pustahan tayo ngyon pag pumasok ka ng mga "Mall" ay makakarinig na tayo ng mga awitimg pamasko, sa mga "radio stations" unti unti na nagpapatugtug ng mga awiting pamasko. Eto nga lang ang saganang kalikutan ng aking diwa. maraming mga bagay ang mga naganap sa buwan ng September ...naririto ang ilan sa mga aking naaalala:
Idiniklara ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos ang "Martial Law" noong September 21,1972. Nagsimula na mag "Broadcast" ang "Sports channel" na ESPN noong September 7,1979.At kapistahan ng "Our Lady of Mercy" sa bayan ng Novaliches tuwing September 29. At maari ba naman nating makalimutan ang "9/11 Trade Center Attacks" noong taon 2001?
Ilan lang yan sa mga kaganapan sa buwan ng September noon mga nagdaang taon. Basta maging masaya at maingat sa ating mga kalusugan ay maayos nating aabutin ang pasko. kaya bago ako mag "asta la bye bye" hayaan ninyo munang batiin ko ng maligayang kaarawan ang lahat ng ng may birthday ngayon unang araw ng buwan ng September. At sa lahat ng mga nag cecelebrate ng mga Anniversaries nila ngayon. o papaano "ciao" hangang sa muli!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento