Linggo, Setyembre 11, 2011

Maligayang Araw Ng Mga Lolo at Lola



"Happy Grand Parents Day" o Maligayang araw ng mga Lolo at Lola,huwag nating kalimutan na batiin sila ngayon araw na ito. Ito ay nag mula sa bansang Amerika noong taon 1978 "National Grandparent's Day" ito ay kinilala sa proklamation ni Pangulong Jimmy Carter. Ito ay lumaganap na sa iba't ibang panig ng mundo. Sa ating mga Pilipino mataas ang pag galang at pag respeto natin sa ating mga Lolo at Lola. kadalasan tayo ay sumasaguni sa kanila upang humingi ng ma payo at opinyon. kadalasan nga ang ating mga Lolo at Lola ay ating kasama sa ating mga bahay. Iyan ang ating pinagkaiba sa mga dayuhan,atin kapiling ang ating mga Lolo at Lola. Alam natin na ang mga mahal nating Lolo at Lola ay mahalaga na maipadama natin sa kanila ang sila ay mahalaga at mahal na mahal natin.natural sa mga matatanda na sila ay maging mga maramdamin at matapuhin. huwag natin sayangin ang panahon na habang sila pa ay ating mga kapiling.


Hayaan natin sila na pakita nila ang kanilang mga kakayahan pa kahit sila ay may mga edad na at medyo mahina na. Ating samahan sa kanilang mga lakad at isali natin sila sa mga usapan, lagi natin silang iupdate sa mga kaganapan sa araw araw. turuan natin silang gumamit ng mga makabagong "Gadgets" at atin isali sa mundo ng "Internet". Kaya tatandaan buhayin natin ang tradisyon nating mga pilipino ang pag halik sa kamay o ang pag mano bilang tanda ng pagalang. kaya sana lagi nating gawing Araw ng mga Lolo at Lola  ang mga panahon na sila ay ating pang mga kapiling.







Walang komento:

Mag-post ng isang Komento